This option will reset the home page of this site. Restoring any closed widgets or categories.

Reset

Beauty Conscious… Issue 236

By: Monique Kanapi

Hi Monique!

Good morning and how are you? Ako si Carizma, ang work ko ay dito sa Rehovot at sasabihin ko na sa ‘yo diretso ang mga katanungan ko about sa mga pimples ko sa likod at mga peklat. Di ako sinuwerte magkaroon ng magandang balat. Paano ba maaalis ang mga peklat at pimples ko sa likod? Kung magpa-bleach naman ako sa iyo mga ilang sessions yan at magkano bawat punta ko sa ‘yo? O kung halimbawa ay ikaw ang pumunta sa work ko dahil di naman ako laging lumalabas. Marami din akong peklat sa legs at maliban sa peklat ay may varicose veins rin ako… dito na naglitawan sa Israel ang mga varicose ko. Kaya nasabi ko sa iyo na wala akong swerte sa balat ko lahat ay tinatago ko… ang tungkol sa peklat ay 100% ba naaalis talaga kahit na matagal na ang peklat since bata pa ako ang mga peklat ko? At kung magkano rin naman ang bayad sa pagtanggal sa peklat at kung ilang sessions din?

I hope masagot mo ang mga tanong ko para makapag-budget din kung halimbawa man makaya ko ang bayad sa iyo.

Thank you for your kind consideration!

Carizma of Rehovot

Hi Carizma,

Salamat naman at lagi kang nagbabasa ng column ko and it’s a big compliment for me na nagtitiwala ka sa Kinis Kutis pagdating sa pagpapaganda. Wag kang malungkot. Alam mo ba na moderm medicines na tayo ngayon at ang lahat ng mga suliranin sa balat ay pwede mo nang i-repair sa panahon ngayon? Para mas maka-relate ka ng husto sa mga sinasabi ko, i-add mo ang KINIS KUTIS sa Facebook para makita mo ang before and after ng mga clients ko na nanggaling na sa akin at nagpa-treatment na rin.

Una, kailangang maintindihan ng bawat isa sa atin na kapag mainit, bukas na bukas ang ating pores at prone makasagap ng dumi sa ating kapaligiran kaya kung ano anong klase ng suliranin sa ating balat ang pwedeng tumubo sa atin. Kapag bukas ang pores natin sa mukha at katawan, nagse-secrete ang oil deposits dahilan para maging pimples ito, white heads o black heads. Isa pa sa mga pwedeng dahilan ng paglabas ng pimples sa iyong likuran o mukha ay ang pagpapalit ng klima from malamig hanggang sa painit na ng painit. Merong balat na hindi kayang mag-adjust sa pagpapalit ng klima tulad mo kaya ayan ang resulta. Wag kang mabahala my dear! Ang ganyang klase ng problema ay pwede naming magamot para hindi na lumala pa…kasi ang magiging problema mo dyan pag dumami yang pimples mo ay ang mga pangit na marka na maiiwan dyan pag natuyo na ang pimples mo! Tama di ba?

Pag ganyan ang suliranin na inyong kinakaharap dito, winter man o summer, gumamit ng E-LOTION (erythromycin liquid) para sumara ang pores nyo at di lumabas ang pimples, white heads at black heads. Tinutuyo nito ang pimples. Ito ay hindi iniinom. Ito ay liquid na pamahid.

Para luminis ang balat na may pinagmarkahan ng pimples o pekas, magpa-skin peeling ka para bumalik sa dating balat at mawala ang mantsa na dulot ng pangingitim. Ito ang tamang treatment para dyan at hindi yung ano anong pamahid na naiisip nyo lang bilhin at di nyo naman alam ang epekto.

Tungkol naman sa problema mong varicose veins, hindi mo yan pwedeng inuman ng kahit anong gamot dahil yan ay hindi nakukuha sa gamot. Ginagamitan yan ng electro-cauterizing machine na sadyang panghigop sa varicose veins para lumubog ito. Sa ngayon makakabuti na para malimitahan mo ang paglabas ng varicose veins sa legs mo, pag wala kang ginagawa, umupo ka ng mas mataas ang paa mo sa balakang mo nang sa ganun ay di naiistak ang dugo sa iisang ugat at mag-circulate ito ng maayos. Mas makakabuti na kapag umuwi ka na ng Pilipinas mo ipagawa yan sapagkat napakaraming duktor na magagaling duon ang pwede kong irekomenda sa ‘yo. Mura pa!

Tulad ng lagi kong sinasabi sa inyo dito sa column ko, may klase ng peklat na pwede pang matanggal at meron na ring hindi na. Ang peklat kahit gaano pa katagal, kahit na nuong pagkabata pa ito, basta nangitim lang o nag-brown na parang mantsa lang sa balat, ito ang klase ng peklat na malaki pa ang pagasang lumabo at matanggal. Kailangang dumaan kayo sa tamang treatment ng pagaalis ng peklat katulad ng sinasabi nating skin peeling. The more na pinagbabalat ang binti, the more na lumalabo ang mga brown at pinag-itiman nito. Ang peklat na namuti na or nagbakokang na (keloid kung tawagin) ay ang klase ng peklat na hindi na pwedeng matanggal. Patay na kasi ang tissues nito at di na pwedeng bumalik sa dating balat.

Kung ikaw ay may suliranin katulad nito, ito rin ang nararapat na treatment para sa iyo:

Pinuputakti ng pimples or very oily/ FACIAL

Pekas na tuldok tuldok/ LASER and SKIN PEELING

Pekas na mapa/ SKIN PEELING or USE MAGIC LOTION

Warts o kulugo/ CAUTERIZATION

Pangingitim ng balat/ BODY BLEACHING Plus GLUTATHIONE intake

Peklat removal/ CHEMICAL PEELING or BLEACHING CREAMS

Dark kili kili or singit/ ULTRA BLEACHING CREAM

Pananaba or bilbil/ VALERINA SLIMMINA (2-3 weeks result)

Pwede nyong i-add ang KINIS KUTIS sa inyong Facebook account para madali kayong maka-relate sa mga sinasabi at pinaliliwanag ko lagi dito sa column ko.

Papasok na ang matinding summer at ready-to-wear na tayo sa mga sleeveless, backless at shorts pero paano natin maisusuot ang inaasam-asam nating mga damit na yan kung may mga pimples tayo sa likod, maitim ang ating singit at kili kili…awts!

May panahon pa para i-bleach nyo ang inyong mga singit, likod at kili kili. ULTRA BLEACHING CREAM lang ang katapat nyan! Two-three days pa lang pinapahid sa singit at kili kili, nagbabalat na ito ng malalaki at sumasama ang pinag-itiman nito. No need to worries dahil painless at no side effects ito. Hindi mo na rin kailangang mag-deodorant pag gumagamit nito sa kili kili sapagkat pag nagbi-bleach, walang amoy ang kili kili at malinis. Ito ang sagot sa instant whiter singit at kili kili.

Mag-email lamang sa Kiniskutis.klinik@yahoo.com kung mayroon kayong problema sa balat.

Skin peeling, skin bleaching, facial treatment, pekas treatment, lip tattoo, eyelid and eyeliner tattoo, kulugo and nunal removal (laser), scar removal, slimming herbs.

1 Comment

  1. joanne says:

    mahal po ba mag paskin peeling magkano po ba yung ganun? at txaka po kung buong katawan na po yun? tnx po

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.